Sa mga nakatanggap ng emails ngayon tungkol sa hulang magkakaroon ng lindol ngayong araw na ito, marahil ilan sa inyo ay nakapag-isip ding lumiban muna sa trabaho o sa klase upang makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay. Para lang makasiguro, kumbaga. Ngunit sa palagay ko, labis-labis na ang ganitong reaksyon. Angkop na siguro ang sariwain na lamang ang mga natutunan sa mga earthquake drills at ihanda ang sarili sa kahit anong kalamidad na darating.
At dahil na rin sa hindi naman natin kayang ihinto ang pang-araw-araw na mga gawain para sa isang hula at hindi rin naman natin tiyak na mapipigilan ang anumang kalamidad, heto at ibinabahagi ko na lamang ang napagkatuwaan namin ng mga kaibigan ko - ang aming mga huling habilin:
(Hinda mga tunay na pangalan ang gagamitin ko, maliban sa aking pangalan dahil siyempre, alam ninyo na ako ang sumusulat sa blog na ito. Haha)
Ang mga sumusunod na habilin ay ibinahagi sa lahat ng miyembro ng Cybersabeerday sa pamamagitan ng text messaging.
Chewy: July 18 ngayon, araw ng paglindol. In case na matabunan ako ng bulok na gusali ng opisinang ito, ‘wag kalimutang mahal ko kayong lahat, lalo na ang may birthday ngayon. Happy birthday, Jarjar! Mwah!
Yoda: Dalaw po kayo sa burol ko if matabunan ako. Pakisabi po na paki-cremate ako baka kasi di ako kasya sa ataul. Kita kita na lang tayo sa susunod na buhay. Magdadala ako ng Grand matador at wanam (isang kainan dito sa aming lugar). Btw, happy birthday kay Jarjar!
Chewy: ‘Wag nga palang kalimutang isuot ang mga I.D. para pag natabunan eh madaling makilala. Kay obi, ‘wag kalimutang isuot ang retainers. Naka-braces naman kami ni Luke, so carry lang.
Obi: Kung ako naman ang matabunan, kayo na ang bahala maghugas ng mga pinggan at kutsara na naiwan sa bahay ko. Yoda, ikaw pa din ang gatekeeper. ‘Wag ninyo ako i-cremate, gusto ko t-shirt at jeans ang suot ko sa ataul. Tapos sa libing, pakikanta ang low low low. Maraming salamat. Pagbaha nga pala, kina Luke kayo mag-park ha.
Ako: Obi, lindol pala ang sinasabi mo, akala ko tungkol sa dami ng tao sa MRT. Wala naman akong ihahabilin. Well, except ‘yung hamsters ko. Buntis kasi ‘yung isa, malapit na manganak. Sana ampunin ninyo na lang sila kapag wala na ako. At ‘yung PW character ko, pakilevelup na lang. At huwag ibenta, please. Kayo ng bahala kung anong nais gawin sa aking bangkay. At tingin ko naman walang afterlife, so okay lang kung walang dumalaw sa burol or sa cemetery. Jarjar, boitday mo nga pala. Sana walang umuga sa’yo ngayon. Pero kung si Toge (boyfriend niya) ang mag-uuga sa’yo, eh di okay lang. ‘Wag kalimutan ang proteksyon. Haha.
‘Yun lamang po. At sana nga’y walang lindol. At sa hinaharap, sana tumigil na ang mga taong walang magawa na nagkakalat ng mga ganyang klaseng email. Wala itong naitutulong kung hindi maghasik ng takot at gawing mas tanga ang mga tanga na.








