Mood: Crestfallen; sometimes dispirited; tormented by a splitting headache
Music: Tell Me Where It Hurts by M.Y.M.P
Text quote for the day: “I’ve realized that life is indeed full of contradictions. Sometimes it’s crazy to be sane. You need to fall to fly. People suffer because you care. You have to unlearn to know the lesson. You have to give up because you are strong. You have to be wrong to make things right. Nonetheless, life’s complexities are also life’s source of beauty. We should cry to laugh again. Fall apart to be whole again. And get hurt to love again.”
My reaction: THAT IS SO DAMN BULLSHIT! HAVEN’T I BEEN HURT ENOUGH ALREADY? IF LIFE IS LIKE A WHEEL, THEN MINE’S A FLAT TIRE.
* * * * *
Question: If I’m a girl, can I get a gay guy fall in love with me? Or should I become a hard butch first before he notices me?
* * * * *
Naiinis ako kapag…
…habang naglalakad, sa harapan ay may isang grupo ng taong (halimbawa, 3 o 4 na magaganda pero maaarteng kolehiyala) naglalakad ng slow motion habang okupado nila ang buong corridor. (“Huwag n’yong ipagmalaking mga payat kayo dahil katulad ko din kayong umookupa ng espasyo. ‘Hoy, hindi ninyo pag-aari ang corridor!”).
…may nakikitang nanay na magbibitbit ng maliliit na mga bata para sumakay sa LRT sa panahong napakaraming tao’t nagsisiksikan sa loob na parang mga sardinas at pagkatapos ay magrereklamo na ‘wag sumiksik dahil naiipit ang mga anak niya. (‘Misis, sentido common po ninyo ay nasaan?
…matapos magtanong sa saleslady kung meron sa kanyang mga paninda ‘yung hinahanap ko ay sasabihin niyang wala ng ganun pero pagkatapos ng kaunting paghahanap sa istante ay makikita kong kay dami-dami pa palang stock. (“Miss, eh, ano’ng tawag mo dito?”)
…sinasabihan ng “bakit wala ka pang boyfriend?” o “paano ka magkakaasawa kung hindi ka magpapapayat?” ng paulit-ulit (“Tama na ang isang beses. Nakakarinig naman ako…”) ng mga kakilala’t kamag-anak tuwing may reunion o party. (“‘Di bale na pong hindi makapagpakasal kaysa naman magkaasawa akong katulad at kamukha ninyo. Parang kay guwapo/ganda/sexy ninyo ah kung makapagsalita…”).
Ipagpapatuloy…





